Rebelasyon sa isang di pangkaraniwang relasyon.
Kakaibang boy-meets-girl scenario.
Si BOY at GIRL ay magkaibigan. Nagkakilala sila sa Cyberworld. Si GIRL, may longtime JOWA; si BOY, tipikal na playboy. Dahil sa pagtatagpo nila, naging close sila at naging constant ang communication nila.
Nagkakagusto na yata si BOY kay GIRL.
Pero, paano si JOWA?
BIRTHDAY NI GIRL.
Girl: San na regalu ku?! hehe =p
Boy: Ayyyyy soweeeeeeeeee nakalimutan ko my bibilhin sana ako sa sm e nakita ko ung cute n toy n pusah,,, geh po utang nlng muna ung regalo hehehe,, basta my utang ako sau,,,^^ cenxa n d n ako nakabalik kc po nagpabunot ako e antsakit nga,,,T_T huhuu,,,,
Girl: wawa ka naman BOY.,ganyan talaga ang nagpapabunot^^ wag ka na lang magbuhat ng mabigat para ndi na dumugo yan^^
naks, may gift xa sa akin.^^ saka ka na bumawi pag may work ka na^^ masaya naman na ako na nakita ko kaw eh.^^ ok na un^^ sobrang happy po ako nung nanjan ako^^ wahihi^^ mabasa na naman ni utol to katay ako^^
saka ka na lang magbayad ng utang pag may work ka na..
ingat po lagi^^
BAGONG TAON
Girl: Ui Merry Christmas!! Kuha mo na gift ku?
Boy: uu nakuha ko n po bigay saken ni lola,,^^ dapat nag stay ka muna sa houz namen pinapakain ka pala ni lola e,,^^ bait ka daw savi n lola,,,^^
Girl: tinext na kasi ako ni daddy eh..
kaw kasi gala ng gala, tuloy ndi koh nabigay sau.. hinanap ka nmin ni jp kung san san.. at infairness, natagtag ung stored fats ng buto ko kakalakad^^
talaga, sinabi nya un?!! gosh, now koh lang nalaman, mabaet pala aku.. ang alam ko kasi salbahe akong bata eh^^
knino nga pala ung cp # n pinasave moh saken? sau ba un or nkikigamit ka lang?? kakahiya kasi baka mamaya magtext aku dun tapos iba makabasa^^
password nga pala?? isip ka para ndi na aku maloko ng mga lakas trif^^
Boy: ty po,,, uu bait ka daw savi ni lola,,,, kaya nga ok ka sa bahay namen e,,^^ no. namen un sa bahay kc my cp n sa bahay kaso family ang gumagamit,,, labyu po,,^^
para malaman mong ako ang katxt mo or ka pm or chat,,, baliktarin mo nlng name ko,,ok b??? hehehe la n ako maicp e heheh kaya binaliktad ko nlng name naten hehehe,,, lam mo lagi ko suot tong bracelet n gift mo saken icp ko nga na lagi kita katabi e,,^^
Nagsimula nang mahulog ang loob ni GIRL kay BOY dahil sa mga patutsada nito sa kanya. Kaya nung magkahiwalay sila ni JOWA at yayain siyang mag-date ni BOY, knilig siya. Kaso biglang nagka-syoplaks si BOY.
Nalilito tuloy si GIRL.
LQ SI BOY AT ANG GF NYA.
Nagtext si BOY kay GIRL isang gabi, halatang problemado.
Girl: anu po ba ung problema mo??
ndi ako nakatulog sa pag-alala sau..
ok ka lang ba nmn?
bket ka ba naiinis sa sarili mo and ba’t parang namumuroblema ka at naguguluhan?
bsta, txt mo ko if u nid anything, willing po ako makinig.. musta na lang sa gf mo.. di ko lam spelling ng name eh^_^ ingats.. wag na maxado isipin ung problema, maaayos mo rin yan.. God Bless
Boy: cenxa n po nadamay ka ha,,,^^ naka2log n kc aq nung nagreply ka e,,, ok n po me naauz n dn hehehe,,, kc medyo nagkaron kami ng konting pagtatalo e,,,, tnx muzta n kau ni bf mo? pakisavi nga pala tnx sa pagdalo sa b-day q,,, yngats kau olweiz,,,,^^
May mapapala kaya si GIRL kapag itinuloy niya yung ganitong treatment niya kay BOY? Anu naman kaya ang balak ni BOY?
Natural na siguro yung magkagustuhan ang dalawang close friends. Pero sapat na ba yung pagiging close para masabing nadedevelop na tayo sa tao? May ilan akong friends na dumaan sa ganyang sitwasyon. Nagsimula sa pagiging magtropa, palaging magkausap, magkasama, magkabiruan hanggang may isang pipiyok na lang. Nalilito kasi siya. Dahil para sa kanya, nag-iiba na yung kulay ng bawat kilos ng kaibigan. Hanggang sa maramdaman na lang niyang hindi kumpleto ang araw niya hangga't di sila nagkakausap. Madalas babae ang unang nakakaramdam ng ganyang sintomas. Don't take it against me. Pero di ba, karamihan sa babae yan ang dilemna? Maiisip niya, ano nga ba ko sa buhay ni friend?
Naman kasi ang mga lalaki. Madalas magbigay ng maling signs. Di ba nila alam na madaling mahulog ang mga babae sa lalaking sweet? Hinay hinay lang kasi sa mga palipad hangin. If you guys like someone, pluck up the courage to tell her so. Para naman hindi maloka yung pinadadalhan nyo ng signs. Sige kayo, magkaroon ng bed shortage sa Mental, lagot tayo niyan! hehehe!
Tignan na lang natin yung susunod na mangyayari kay BOT at GIRL. Malay natin mauwi na sa BOY LOVES GIRL! *winks*
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment