Wednesday, November 4, 2009

Sulat.

There is always a first time for everything.

Madalas kapag may baby sa bahay, ang laging binabantayan ng parents ay yung mga "firsts" ng baby nya. First smile, first word uttered, first step, first solid food taken, first out-of-town trip, first toy at kung anu-ano pang firsts. Lahat yun nirerecord.

Ako, first time kong gumawa ng blog gaya nito. May blog nga ako sa isang social networking site pero iba pa rin pag may site kang sarili. Na kapag tinype mo sa search browser yung keywords, may lalabas sa search results. Exciting!

I am no techie. Neither am I a pro writer. Ni hindi ko rin alam kung papaano mag-rename ng URL. Mahilig lang akong magsulat o kaya magtype ng random thoughts. Feeling ko kasi sasabog ako kapag hindi ko nailabas yung creative juice ko.

High school ako nung magsimula yung interes ko sa pagsusulat. Tuwing nagka-cutting classes ako, (Opo, gawain ko yun. Pero sa lahat ng nagka-cut ng klase, ako lang yata yung umuuwi sa bahay.) pinupuno ko ng kung anu-ano yung notebook ko. Merong based sa sarili kong experiences at meron din namang pure fiction. Noong kinati ang kamay ng nanay ko na magbulatlat ng gamit ko sa school, ang akala ko, ibabato niya sa kalsada yung notebook ko. Paano, imbes na notes sa Araling Panlipunan eh puro anik-anik yung laman! Nakasimangot siya. Pero walang usual sermon. Nagulat na lang ako nung kinabukasan may bago akong notebook! Ang sabi niya: "Ituloy mo yung kwento, maganda eh. Basta kumopya ka rin ng notes sa AP." Hahaha! Kunsintidora talaga si Ermat.

3 notebook rin ang napuno ko sa pagsusulat ng "nobela." Kung ilang ballpen ang naubusan ng tinta, hindi ko na matandaan. Basta ang alam ko, kahit kinakalyo na yung daliri ko, sulat pa rin ako ng sulat. Wala na nga akong ibang inatupag sa bahay kundi iyon.

At dahil wala na tayo sa medieval times, itinabi ko na muna yung ballpen at notebook. Ang bago kong kapiling ngayon ay ang monitor, CPU at keyboard. Ang mga ito naman ang gagamitin kong rason para wala akong gawin dito sa bahay. Hehehe! Wala namang papalag eh. Hangga't may pambayad sa MERALCO, type, surf at blog lang ng blog.

Wag nga lang tatamarin.

No comments:

Post a Comment